Home Archive ASK LOVE ME TWITTER

Parang dati lang kaibigan kita ngayon famous ka na.

Hirap na maabot.

  • Dati nag kaka TA tayo.
  • Nagkakatext

Ngayon inaanswer privately mo na ko. Aw. </3

(Source: chamonster)

Wattpad

Ang hirap makaget over kahit sa story lang sa wattpad. Lalo na’t kung ang lakas ng impact ng kwento sa’yo.

-Tetai (nagiinarteee)


Naalala ko nung binabasa ko yung Sadist Lover sa wattpad. Hindi ako makaalis sa laptop. Sasabihin ko

“ay last chapter na to promise!”


Tapos siyempre mabibitin ako ayun itutuloy ko pa rin ang pagbabasa. May time nga na maiyak iyak ako kasi sobrang nakarelate ako sa story. Ang sarap basahin nung mga pangyayari at naiimagine ko na andun ako sa story. Sobrang hindi ako lumabas ng kwarto nun kasi binabasa ko yung sadist lover.

Ang lakas ng impact sakin kasi may time na parehas yung sitwasyon namin dun tapos bigla ka na lang mapapangiti kasi parang ikaw yung andun. Parehas kasi nang nangyayari sa totoong buhay tapos bigla ka na lang rin ngingiti kasi kinikilig ka na pala.

Ayy.

Sana yung buhay ko mapunta rin sa wattpad.

Balang araw yung lovestory ko talaga. Kagigiliwan sa wattpad. Promise!

(Source: chamonster)

Pag ako pumasok sa isang relasyon. Sisiguraduhin kong siya lang.

Hindi ko hahayaan ang sarili kong mahulog sa iba. Sisiguraduhin ko na ang atensyon ko ay sa kaniya lang at hinding hindi ako magpapatalo sa mga temptation na dumadating.

Naranasan ko kasing maging kabit. Masakit ng sobra. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko gagawin yun dahil sobrang makakasakit ako ng damdamin ng ibang tao kasi kung kakabit ako sigurado naman yung una pa rin ang pipiliin ko.

Ayoko magpaiyak ng ibang tao kasi hindi ko siya kayang mahalin at hindi ako magbibigay ng motibo para mahalin niya ako.

Hinding hindi ako gagawa ng kasalanan sa taong karelasyon ko at papangakuin kong siya lang ang mamahalin ko. Hinding hindi ako maghahanap ng iba. 

(Source: chamonster)

LUH.
Siya: Busy ka pa. Kapagod maghintay ha. Ayaw mo mag text. Tagal mong tumawag. Pag tumawag naman, Ayaw magsalita. Tumblr nang tumblr. Tulog na lang muna ko.
Ako: Luh. Di na pinatay ko na yung laptop. -_-
Siya: Wag na.
Ako: Di na. Sorry na. :(
Siya: Sorry nanaman?
Napapahamak talaga ako sa tumblr. LOL.

Sa panahon ngayon masama na mag care sa taong gusto mo.

Maiirita at lalayo siya sayo sa sobrang pag cacare mo. Yung maiilang na siya kasi ang alam niya lang magkaibigan kayo pero parang sumosobra na. 

Masama na pala yung mag care ka no? Hindi mo alam sa sobrang pagcacare mo naiinis na siya sayo. Ang hirap kasi controlin na sarili na wag ipakitang hindi mo siya gusto at gusto mo palagi siyang safe. 

Hay. Natatakot ako baka sabihin niya.. “Ano ba kita? Tayo ba? Hindi naman diba? Tumigil ka nga.”

Kaya ayun. Tumigil na lang ako.

(Source: chamonster)

Kung madaling mag move on.

  • Edi sana mabilis mapalitan ang mga ex.
  • Sana kahit masaktan ka niya at iwan ka niya okay lang kasi madali lang naman.
  • Edi sana pagkatapos ng relasyon niyo mayroon agad na kapalit.
  • Sana pagkatapos ng break up walang umiiyak
  • Sana okay lang na makita si ex na may kasamang iba.

Hindi eh, Ang hirap mag move on pwera na lang kung hindi mo talaga minahal yung taong yun, madadalian ka talaga mag move on kasi hindi mo naman binigay ang lahat ng pagmamahal mo sa kaniya. Okay lang na mapalitan ka niya at iwan ka niya. 

Mahirap mag move on kapag sobrang minahal mo siya at natatakot ka kasi mamimiss mo yung mga moments niyo. Yung mga sweet at kung ano ano pa. Mamimiss mo rin yung mga away niyo at yung mga selosan. Hindi mo kasi makalimutan siya at yung mga pinagsamahan niyo. Feeling mo hindi mo kayang mabuhay na wala yung relasyon niyo.

Sabi nila pag ang taong nasaktan daw nasasabing naka move on na kapag kumakati na at lumalandi na sa iba. Naniniwala naman ako dito. LOL.

Kung sasabihin niyong madaling mag move on. Goodluck! 

(Source: chamonster)

Good Morning!! Ito ang bagong gising tapos picture agad. Ewan ko kung bakit. Hahaha.

May liga mamayang 10 am ng volleyball. Goodluck sakin. Ang sakit ng braso ko. :(

(Source: chamonster)

Feeling swagger mukha namang snatcher.

(Source: chamonster)

Sobrang mahalaga ang mga kaibigan ko sakin.

Yung iba nga nagtatampo na kasi nga dumadami yung mga kaibigan ko at hindi na ko nakakasama sa kanila. Sana maintindihan nila na sobrang friendly ko lang at hindi ko naman sila nakakalimutan. Magkaibigan tapos magkakalimutan pa? Di na oy.

Yung mga kaibigan ko sobrang mahalaga sakin yan, ginagawa ko ang lahat para lang makausap sila at makasama sila kahit ang hirap humanap ng pera. Kahit araw araw pang lakaran yan basta makita lang sila. 

Ako yung kaibigan na pag malungkot ka papakinggan ka at bibigyan ka ng advice, pero pag mali ka wala kang magagawa kasi hindi talaga kita kakampihan kasi gusto ko sa tama ka. Ayoko ng kinukunsinte ko yung mga kaibigan ko sa mali dahil mali na nga kukunsintihin mo pa. Ang bad influence ko naman kung ganun. Ako yung kaibigan na maharot pero pag kailangan mag seryoso mag seseryoso ako.

Ako din yung kaibigan na hindi ko pinapakita na malungkot ako dahil ayokong madamay kayo sa kalungkutan ko at hindi naman kayo sanay na malungkot ako.

Ako din yung kaibigan na pag may kaaway ang isang kaibigan handa akong makipagpatayan at makipagbangayan! Seryoso. =)) Kung suntukan man o kung ano ano pa. #$@#$#%# palag palag na! =)

basta ang masasabi ko lang. Lahat ng kaibigan ko mahalaga para sakin. Wala akong pinipili at lahat kayo kaibigan ko kaya sana walang selosan. >:D<

(Source: chamonster)

Yung mga taong nagpalit ng network para lang makausap ka.

Nakakainlove. Wala lang. Sa simpleng ganiyan lang natutuwa na ko kasi makikita mo yung effort na para makausap ka lang dagdagan mo pa ng sasabihin niyang “Namiss kita”. 

Kilig! $#%#$%#

Makikita mo kasi yung effort na para makausap ka lang at mapansin mo siya. Imbis na mairita ka, Natutuwa at naiinlove ka pa. Lalo na yung tinext mo siya sa ibang network niya na namiss mo siya, tapos magugulat ka magtetext na lang siya sayo gamit yung same network mo. Aww.

Simpleng bagay? Hindi ah. Napakalaking bagay na nito.

(Source: chamonster)